Magtatapos na ang Love month, masaya ka ba sa buwang ito? Humabol pa ang post na ito tungkol sa pagibig. Hindi naman lahat happy ngayong buwan , yung iba nga mas nag emo pa ata .Nakakasawa na nga magsulat tungkol sa pagibig. Masaya na malungkot , o siguro dahil hindi ko pa natatagpuan si happiness. Sa totoo lang , ang dami ko na ring nabasa blog post about it. At tulad mo , heto na naman ako nagsusulat ng walang kabuluhang post about pagibig. May maiinspire at malamang may mabwisit na rin sa akin.Nainspire talaga ako sayo, tulad mo, takot na ako magsulat ng love story. Nakakatanga minsan. Masuwerte na nga minsan kung talagang naintindihan nila kung bakit at ano ang sinusulat mo, para san at para kanino.. Kung pupwedeng maging remote control ang brains ng tao , mas madali sana maintindihan ang sitwasyon at bagay bagay.. Pwede kayang isulat ang mga nararamdaman ng hindi nababanggit ang salitang love? Ang hirap hirap na talaga… Ang hirap magpanggap na malakas ka pero sa totoo lang mahina talaga ako.____________________________________________________________________________Tuwang tuwa ako pag kasama kita. Pag sinasabi mong miss mo na ang matigas kong buhok, ang singkit kong mga mata. Parati ko yung naaalala. Kahit ata sa panaginip naaalala ko lahat. Ngayon Pinipilit ko parin magsulat tungkol sayo. Naalala ko pa pag hinahatid mo ako sa istasyon ng bus papuntang maynila. Ayoko talagang bumaba sa oto . Gusto ko kasama kita parati. Miss ko na ang amoy ng sigarilyo , samahan mo narin ng konting vodka . Ayos na. Gusto ko burahin ang lahat ng yun . Nalulungkot kasi ako .Sa totoo lang minsan asar na asar na ako sa iyo. Ang dami dami mong sinasabi . Hindi dapat ako naniniwala . Hindi ko na nga alam kung totoo lahat ng ibang sinabi mo . Naiinis ako kasi . … Kailangan kita… pero hindi talaga pwede …Sana hindi mo nalang ako kinausap nung simula pa lang. Ayaw ko na kay Barney at sa mga songs nya. ♫ Twinkle twinkle little star how I wnder what you are♫ up above the world so high , like a diamond in the sky♫. Nahihirapan na ako , ang sakit sakit… I don’t really know what to say to you but thank you for the memories! Even if I sometimes question if it really ever meant anything to you. I hope you find the courage to pursue the one you really love.I guess I should have believed people when they told me you’re up to no good.Hope you find the one who’ll finally make you forget your past. I know there’s a part of you holding on. This time, I hope you finally realize you deserve to be happy, too. Stop punishing yourself.Thank you for everything! I hope you continue to be the better person that you are now.Take care of yourself and of your family.

Share: